Baguio City, tampok ang World’s Largest Ten Commandments Tablet ngayong Mahal na Araw

Baguio City, tampok ang World’s Largest Ten Commandments Tablet ngayong Mahal na Araw

DUMAGSA ang mga pilgrims at turista ngayong Biyernes Santo sa Dominican Hill, Baguio City upang magsagawa ng panalangin at pagninilay sa harap ng pinakamalaking Ten Commandments Tablet sa buong mundo.

Itinayo noong 2011, ang naturang estruktura ay may taas na 12 metro at kinilala ng Guinness World Records bilang world’s largest tablet ng Sampung Utos ng Diyos. Matatagpuan ito malapit sa lumang Diplomat Hotel, isang dating Dominican retreat house noong 1915 na kilala sa mga kababalaghan ngunit ngayo’y isa nang spiritual landmark.

Ngayong Semana Santa, muling naging sagradong lugar ng pagninilay ang Dominican Hill, na pinupuntahan hindi lamang ng mga deboto kundi pati na rin ng mga nais makahanap ng kapayapaan at katahimikan sa gitna ng malamig at mapayapang paligid ng Baguio.

Follow SMNI NEWS on Twitter