Baguio, ipatutupad na ang curfew, liquor ban sa pagsisimula ng GCQ

IPATUTUPAD na ng Baguio City ang curfew hours at liquor ban sa pag-uumpisa ng General Community Quarantine (GCQ) ngayon sa Cordillera Administrative Region.

Ang curfew hours ay magsisimula ika-sampu ng gabi hanggang ika- apat ng umaga maliban lamang sa mga authorized person outside residence.

Samantala, ang liquor ban ay magsisimula ng ika-walo ng gabi hanggang ika-sampu ng umaga.

Kaugnay nito, bawal lumabas ng bahay ang mga batang may edad 15 pababa at mga matatandang may edad 65 pataas.

Ang mga pampublikong sasakyan naman ay papayagan magsakay hanggan 75% capacity.

Ganon din ang mga restaurant ay papayagang tumanggap ng costumers para mag-dine in hanggang 75% capacity lamang.

Sa kabila nito, ang mga essential establishments ay papayagang magbukas sa loob ng 24 oras.

Mahigpit pa rin ipatutupad ang mga health protocol sa siyudad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.