Bagyong Agaton, humina na’t isa na lamang tropical depression

Bagyong Agaton, humina na’t isa na lamang tropical depression

HUMINA na at isa na lamang tropical depression ang Bagyong Agaton habang nasa San Pablo Bay.

Sa Tropical Cyclone Bulletin ng The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 75 kilometro kada oras.

Mabagal na kumikilos ang bagyo sa hilagang-kanluran.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals No. 1 sa southern portion ng Masbate, Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu kabilang ang Camotes Island, at eastern portion ng Bohol, Surigao del Norte at Dinagat Islands.