Bagyong “Auring”, lumakas pa at isa nang tropical storm

LUMAKAS pa at isa nang tropical storm ang Bagyong “Auring”.

Sa 11AM severe weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 685 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.

Mabagal na kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran.

Sa forecast ng Pagasa, lalakas pa sa severe tropical storm ang bagyo bago magland-fall sa Caraga sa Sabado ng gabi o sa linggo ng umaga.

Sinabi ng weather bureau na posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang probinsya ng Caraga at Davao Region bukas na maaaring magresulta ng pagkatigil sa maritime activities.

SMNI NEWS