ISA nang ganap na severe tropical storm ang Bagyong Auring ayon sa 11AM severe weather bulletin ng Pagasa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 535 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 115 kilometro kada oras.
Mabagal na kumikilos ang bagyo patimog-kanluran.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Davao Oriental, Eastern Portion ng Davao de Oro, eastern portion ng Agusan del Sur at Surigao del Sur.
Sinabi ng Pagasa na marami pang lugar sa Caraga at Davao Region ang maaring ilagay sa ilalim ng Signal Number 1 sa susunod na bulletin.
Sa forecast ng weather bureau, maglaland-fall ang bagyo sa eastern coast ng Caraga Region sa Linggo ng umaga.