KASUNOD ng inaasahang pag-alis ng Bagyong Egay sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw, inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 ng bagyo.
Nanatili namang nakataas ang Signal Number 2 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at sa Northern at Central Portion ng Ilocos Sur.
Nakataas naman ang Signal Number 1 sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, sa natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac at sa northern part ng Zambales.