PARA sa lalawigan ng Batanes ang naranasang pag-ulan dala ng Bagyong Emong ay nakapagdulot ng mabuti partikular na sa sektor ng agrikultura ayon kay PDRRMO Officer Roldan Esdicul.
Aniya, may ilang linggo nang hindi nakaranas ng ulan ang lalawigan ng Batanes.
Ayon pa kay Esdicul pabugsu-bugso lamang na pag-ulan ang nararanasan ngayon sa Batanes at walang malakas na hangin.
Umaasa naman ang mga mamamayan ng Batanes na hindi magtatagal ang pag-ulan dahil tiyak na maaapektuhan na naman ang sektor ng agrikultura na kasisimula lamang sa pagtatanim.
Samantala, sa kabila ng hindi gaanong kalakasang ulan ay nakahanda naman ang PDRRMO Batanes sa anumang emergency na maaring idulot nito.
(BASAHIN: Batanes, muling tinamaan ng COVID-19 isang buwan matapos na maging virus-free)