BAHAGYA pang lumakas ang Bagyong Kiko habang patuloy na nagbabanta sa extreme Northern Luzon.
Sa latest update ng PAGASA kaninang alas 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 220 kilometro hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora o 220 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng Bagyong Kiko ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 240 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa extreme Northeastern portion ng Cagayan at Eastern portion ng Babuyan islands.
Signal Number 2 naman sa Batanes, rest of Babuyan Islands, ang natitirang Eastern portion ng Mainland Cagayan, Northeastern portion ng Isabela, at Northeastern portion ng Apayao.
Habang Signal Number 1 sa natitirang bahagi ng Mainland Cagayan, Eastern portion ng Ilocos Norte, rest of Apayao, Northern portion ng Kalinga, Eastern portion ng Mountain Province, Northeastern portion ng Abra, Northwestern at Southeastern portions ng Isabela at Northern portion ng Aurora.
Sinabi ng PAGASA na maaring itaas sa TCWS No. 4 ang bahagi ng Babuyan Islands ngayong hapon.