Bagyong Lannie, tinahak na ang hilagang bahagi ng Palawan at nasa El Nido Bay na

Bagyong Lannie, tinahak na ang hilagang bahagi ng Palawan at nasa El Nido Bay na

TINAHAK na ng Bagyong Lannie ang hilagang bahagi ng Palawan at ngayon ay nasa El Nido Bay na.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa karagatan ng Coron, Palawan.

Ito ay may lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ang Bagyong Lannie pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian Islands.

Inaasahan namang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa bukas ng hapon o gabi.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *