SA 5 AM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, Disyembre 23, 2024, taglay ng Bagyong Romina ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Sa ngayon, namataan ang Bagyong Romina 165km kanluran ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.
Inaasahang tuluyang hihina na ito mamayang gabi o bukas ng umaga habang papunta ito sa direksiyon ng bansang Vietnam.