NAI-deliver na rin sa iba’t ibang Kadiwa Center ng Department of Agriculture (DA) ang bahagi ng inaning bawang ng mga magsasaka sa Batanes.
Hakbang ito ng ahensiya upang hindi mabulok ang mga bawang at mapagkakitaan pa ng mga magsasaka.
Ang nasabing bawang ay mula sa mga magsasaka ng Itbayat Garlic Producers Association sa Batanes.
Kung saan, nasa 600 kilo ng bawang ang biniyahe nitong nakaraang linggo upang maibenta kesa mabulok.
Nasa ₱130 kada kilo ang presyo na ibinibenta sa Kadiwa Store.
Nabatid, ito rin ang tugon ng DA sa naging apela ni Batanes Gov. Marilou Cayco na matulungan silang maibenta ang nasa 25 tons ng bawang mula sa Batanes sa ibang parte ng bansa.
Tiniyak ng DA na patuloy nilang tinutulungan ang mga magsasaka ng bawang sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang agribiz program.