PINAPABILIS ng Department of Transportation (DOTr) ang konstruksiyon ng bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) na nasa pagitan ng Metro Manila at Bulacan.
Kung matatapos na ito, malaki ang magiging tulong ng NSCR sa mga commuter, ayon sa ahensya, dahil magiging 30 minutes na lang ang biyahe mula Metro Manila patungong Malolos, Bulacan.
Sa kabuoan, ang NSCR ang mag-uugnay sa Metro Manila patungong Pampanga.
Ang gagamiting airport express train dito ay kayang tumakbo ng hanggang 160 kilometro kada oras at aabutin lamang ng isang oras ang biyahe mula Buendia hanggang Clark International Airport sa Pampanga.
Follow SMNI News on Rumble