Bahay kanlungan para sa mga dating CTG, ipinagkaloob sa Negros Oriental

Bahay kanlungan para sa mga dating CTG, ipinagkaloob sa Negros Oriental

PORMAL na itinurn-over sa Negros Oriental ang kauna-unahang bahay kanlungan para sa mga dating rebelde.

Ito ay sa pangunguna ng Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang bahay kanlungan ay may 5 kwarto ay itinayo sa loob ng Camp Leon Kilat sa Brgy. Santa Cruz Viejo, Tanjay City, Negros Oriental.

Maaaring tumanggap ang pasilidad ng 10 dating rebelde at may 2 karagdagang kwarto para sa staff na magsasagawa ng orientation at reintegration activities.

Samantala, pinagkalooban ang 21 dating rebelde ng P755,000 sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter