TINIYAK ng Department of Health (DOH) na ligtas at epektibo ang mga bakunang kanilang ibinibigay kontra polio.
Anito, ang oral polio vaccine (OPV) ay mahigit 40 taon nang ginagamit para malabanan ang naturang sakit.
Ang OPV ay pwedeng ilapat o iturok sa mga 0 months old hanggang 59 na buwan.
Paglilinaw naman ng DOH na ang OPV ay ibinibigay na libre sa mga health center.