Bakuna nights sa Davao City, balak palawigin

Bakuna nights sa Davao City, balak palawigin

BALAK palawigin ng lungsod ng Davao City ang nasimulang Bakuna nights na layong makatulong na makamit ang herd immunity ngayong Nobyembre.

Matapos ang matagumpay na pilot testing ng Bakuna nights sa Davao kung saan nasa limang daang indibidwal ang nabakunahan ay plano ng COVID-19 task force na iextend ito upang mas maraming Dabawenyo ang maka benepisyo.

Ayon sa Davao City COVID-19 task force sa naganap na pilot testing nitong September 23 sa San Roque elementary school kung saan nasa 588 na indibidwal ang nabakunahan.

Nagpapakita umano ito ng interes ng mga Dabawenyo na mabakunahan upang maka-iwas sa COVID-19.

Matatandaan na inilunsad ng pamahalaang lungsod ang mga ito para sa mga indibidwal na hindi makapagbakuna sa araw lalo na ang mga nagtratrabaho na mga kababayan.

Sinabi rin ng tagapag salita ng COVID-19 task force sa lungsod na posibleng ipagpapatuloy nila ito dahil sa magandang resulta o pagtugon ng mga mamamayan dito.

Ang roll out ng bakuna nights ay naka schedule simula 5:00 pm hanggang 7:30 ng gabi sa San Roque elementary school.

Kapag nagpatuloy na nga itong bakuna nights ang mga interesado ay required na sumailalim sa onsite registration at kailangan lamang magdala ng ID at QR code.

Samantala, plano naman na gawing vaccination site para sa Bakuna nights ang Almendras gym.

Ang naturang proyekto ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng layunin nitong madagdagan ang mga nababakunahan para sa vaccination drive ng Davao City.

SMNI NEWS