Balanga City vendors, nagdeklara ng pork at chicken holiday

NAGDEKLARA ang pork at chicken vendors ng holiday sa Balanga City, Bataan ngayong araw ng Biyernes, Marso 5.

Dahilan ng mga vendors ay hindi kaya ang ipinatutupad na price ceiling ng pamahalaan.

Ipinatutupad ng pamahalaan ang P160 kada kilo ng manok habang nasa P270 ang kada kilo ng baboy.

Ayon sa hinaing ng mga vendor, hindi kaya ang price ceiling na ipinatupad ng pamahalaan dahil ang puhunan ng kanilang karneng baboy ay nasa P320 kada kilo habang P150 kada kilo naman sa manok.

Maliban dito ay marami pa silang babayaran kagaya ng puwesto, permit at iba pang gastusin.

Magbabalik lang umano sa pagtitinda ang mga pork at chicken vendor kung papayagan silang magbenta ng manok sa halagang P180 at sa karneng baboy sa halagang P350.

Kasalukuyan namang pinag-uusapan ng mga opisyal sa merkado at city administrator kasama ng iba pang ahensiya kung paano matugunan ang nasabing isyu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *