Balikatan 2025: Kakayahan sa Maritime Medical Evacuation, mas pinalakas ng AFP

Balikatan 2025: Kakayahan sa Maritime Medical Evacuation, mas pinalakas ng AFP

WEST PHILIPPINE SEA — Bilang bahagi ng nagpapatuloy na Balikatan Exercises 2025, pinalalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang maritime medical evacuation capabilities, lalo na sa mga insidente ng pagkasugat sa gitna ng karagatan.

Sa isang drill na isinagawa kamakailan, isinailalim sa simulated rescue operation ang dalawang tauhan ng Philippine Navy mula sa BRP Ramon Alcaraz, matapos umano silang mahulog sa hagdan at hindi na makalakad.

Agad na tumugon ang medical personnel ng Navy, na ginamitan ng AgustaWestland rescue aircraft upang ligtas na mailikas ang mga sugatang tauhan para sa medikal na atensyon.

“Ang ganitong mga training drills ay kritikal upang tiyakin ang kahandaan ng ating puwersa sa totoong sitwasyon ng aksidente o sagupaan sa dagat,” ayon sa opisyal ng AFP.

Ang Balikatan Exercises 2025 — ang pinakamalaking joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos — ay nagsimula noong Abril 21 at magtatapos sa Mayo 9. Tampok sa mga aktibidad nito ang humanitarian assistance, disaster response, territorial defense, at joint combat readiness.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble