PUSPUSAN na ang paghahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Armed Forces para sa nakatakdang Balikatan Exercises 2023.
Sa susunod na taon, asahan ang mas malaki at mas malawak na pagsasanib-pwersa ng Philippine Army, Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Armed Forces’ Indo Pacific Command (IndoPACOM para sa nakatakdang Balikatan Exercises 2023.
Isinagawa ang pagsasadetalye ng mga programa sa AFP Education, Training and Doctrine Command, sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Disyembre 12.
Ilan sa mga nakatakdang aktibidad at mga pagsasanay na gagawin ng mga kalahok ang interoperability exercises gaya ng counter terrorism at Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR).
Taun-taon isinasagawa ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na nagiging tulay sa mas malakas at mas handang mga bansa lalo na sa usapin sa terorismo at pagsagip sa buhay tuwing may mga sakuna at kalamidad.
Sa ngayon, sa ilalim ng 2023 Iteration ng Balikatan, inaasahang madadagdagan pa ang mga pagsasanay na gagawin ng mga partisipante.
Isa sa mga dagdag na kaalaman ang pagtataguyod ng Field Training Exercises sa mga kasaling sundalo na tumutukoy sa combined and live fire exercises and military operations sa mga lambak at kabundukan sa malaking bahagi ng Luzon.
BASAHIN: Pagbaba ng bilang ng CTGs sa bansa, dagdag high morale sa AFP –LtGen. Bacarro