Balikbayan, kusang sumuko matapos tumakas sa kaniyang isolation facility sa Pasay City

KUSANG sumuko ngayong araw sa mga otoridad ng Manila City si Igor Mocorro, isang balikbayan na galing Amerika matapos tumakas sa isolation facility.

Ayon sa impormasyong ibinigay ni Pasay City Police Major Wilfredo Sangel, tumakas si Mocorro mula sa kaniyang isolation facility nitong January 3 sa Sogo Hotel sa Roxas Blvd., Pasay City.

Agad na isinagawa ang isang follow-up operation para hanapin si Mocorro mula sa kaniyang mga kakilala pero bigo itong mahanap sa address na ibinigay sa mga otoridad sa Unit 3 No. 1247 Estrada St. corner Taal at Malate, Manila.

Sumailalim sa swab test si Mocorro pero hindi pa nabatid kung ano ang resulta nito.

Agad na dinala si Mocorro sa Sogo Hotel para ituloy ang 14-day quarantine nito.

Ayon sa IATF guidelines ang sinumang manggagaling sa bansang Amerika na pauwi dito sa Pilipinas ay kinakailangan munang sumailalim sa 14-day quarantine.

Sa ngayon ay inaalam pa kungsaan ito nagpunta sa loob ng tatlong araw mula nang tumakas ito sa kanilang pansamantalang tinutuluyang hotel.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.