Ballot feeding, suspendido dahil sa technical issue ayon sa Consulate General sa New York

Ballot feeding, suspendido dahil sa technical issue ayon sa Consulate General sa New York

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Philippine Consulate General sa New York ang ballot feeding sa Kalayaan Hall bunsod ng technical issue na kinasasangkutan ng isa sa vote counting machines (VCMs) na ginagamit sa overseas absentee voting (OAV).

Sa inilabas na abiso, sinabi ng consulate general na naranasan ang technical issue sa huling bahagi ng ballot feeding process matapos ma-stuck sa loob ng VCM ang isa sa dalawang natitirang balota.

Bagama’t available ang ikalawang VCM, nagdesisyon ang Konsulado na suspendehin ang ballot feeding hangga’t makatanggap ng gabay mula sa COMELEC kung ang nasabing VCM ay maaring magamit.

Dahil hindi pa nakatatanggap ng tugon ang Konsulado mula sa COMELEC, napagpasyahan nito na ipasok sa VCM ang natitirang mga balota sa susunod na naka-iskedyul na ballot feeding sa Lunes, Abril 25.

Ang OAV para sa May 9 elections ay nagsimula noong Abril 10 at tatagal hanggang sa Mayo 9 o sa araw ng halalan sa Pilipinas.

Follow SMNI News on Twitter