Bamban Mayor Alice Guo, ililipat sa Pasig Female Dormitory

Bamban Mayor Alice Guo, ililipat sa Pasig Female Dormitory

NAGHAHANDA na ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa nakatakdang paglilipat kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kostudiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ngayong araw, Setyembre 23, 2024.

Ipinag-utos kasi ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang paglilipat kay Guo sa kostudiya ng BJMP matapos ipaaresto dahil sa kasong Qualified Human Trafficking.

Ayon kay PNP CIDG Director, PMGen. Leo Francisco, isinasapinal pa sa ngayon ang mga kinakailangang dokumento ng BJMP dahil ngayon pa lamang din ibabalik sa korte ang warrant of arrest laban kay Guo na may kinalaman sa operasyon ng ilegal na POGO sa bansa.

Nauna nang hindi natuloy ang paglilipat kay Guo noong isang linggo dahil hindi natapos ng CIDG ang mga dokumentong kailangan dahil sa kakulangan ng oras.

Sa kabilang banda, natapos na ang booking and documentation at medical/physical examination ni Guo sa Kampo Krame nitong nakaraang Biyernes.

Samantala, sinabi ni BJMP Spokesperson, JSupt. Jayrex Bustinera na handa na silang tanggapin sa kanilang pasilidad anumang oras si Guo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble