NILINAW ng Banateros na hindi sila tumatanggap ng donasyon mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon sa grupo, napag-alaman nilang may ilang vloggers na humihingi at tumatanggap ng donasyon mula sa mga OFW para sa mga rally. Dahil dito, maraming tanong ang lumalabas tungkol sa tamang paggamit ng mga pondong ito.
Sa isang post ni Boss Dada TV sa Facebook, binigyang-diin ng Banateros na bagama’t hindi nila kinukuwestiyon ang intensyon ng ibang vloggers, nais nilang gawing malinaw ang kanilang posisyon. Ayon sa kanila, hindi sila nakikibahagi sa ganitong uri ng aktibidad.
Ang Banateros ay kinabibilangan nina Byron Cristobal o Banat BY, COACH OLI, Master Judea, Boss Dada TV at Jay Guevarra.