Banateros, opisyal nang mga miyembro ng Fraternal Order of Eagles

Banateros, opisyal nang mga miyembro ng Fraternal Order of Eagles

OPISYAL nang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles ang mga Banateros.

Kabilang sina Banat By, Boss Dada, Coach Oli, at Master Judea sa mga nanumpa sa isinagawang joint induction ng NCR Central Region.

Sa ilalim ng Mandaluyong Royal Skyline Eagles Club, naniniwala ang mga Banateros na mas mapapalawak pa nila ang kanilang pagtulong sa mga komunidad – aral anila na kanilang natutunan kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Kami mga Banateros sumali kami sa Eagles Club kasi gusto pa naming tumulong sa mga community. Sabi nga nila hindi naman natin kailangan maging public official, pero ngunit kahit ordinaryong Pilipino ka pwede kang tumulong. We joined the Eagles para may katuwang kami sa pagtulong sa ating komunidad tulad din po iyan ng aral na ibinigay po ni Pastor Quiboloy na pagtulong sa kapwa, ‘yung nation-building ika nga,” ayon kay Banat By, Political Vlogger.

“Mas mapapadali ang pagtulong ng Banateros, mas mapapadali pagtulong sa mga Pilipino gaya ni Pastor Quiboloy na dati nang tumutulong, kami ngayon ay ifu-fullblast namin ‘yung pagtulong sa iba,” wika ni Coach Oli, Political Vlogger.

Dagdag pa ng Banateros – ang pagsali nila sa Eagles Club ay patunay na hindi lang sila hanggang puna sa gobyerno.

“Ang gusto lang naman natin hindi lang tayo banat nang banat sa mga mali ng gobyerno, kailangan mapatunayan din natin ‘yun sa gawa. So kasama ng ating mga kasama sa Mandaluyong Skyline Eagles Club, gagawin natin, tumulong tayo sa kapwa natin lalo na sa mga indigents, napakarami pong naghihirap sa mga kababayan natin,” saad ni Boss Dada, Political Vlogger.

“Nagpapasalamat tayo sa Eagles Club, Fraternal Eagles Club of the Philippines kasi tinanggap tayo dito as a member nila.”

“Ngayon mas mabibigyan tayo ng maraming pagkakataon para makatulong sa Inang Bayan, para makapaglingkod nang husto sa Diyos, at ng ating mga kapwa Pilipino,” ayon kay Master Judea, Political Vlogger.

Mga proyekto para sa mga pampublikong paaralan, patuloy na tinututukan ng Eagles Club NCR Central Region

Sa kasalukuyan, tinututukan ng NCR Central Region ang pagtulong sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila.

Isa sa kanilang mga proyekto ay ang pamimigay ng libreng eyeglasses sa mga estudyante.

“We distributed personalized, customized prescription glasses. The title of the project is “Sagip Mata Project” pahayag ni Governor Leonardo “Tom” Bituin Jr., Fraternal Order of Eagles – NCR, Central Region.

“We were able to distribute 200 eyeglasses to students having eye problems,” dagdag ni Bituin.

Ilan din sa mga proyekto ng Eagle Club NCR Capital Region ay ang pagtatayo ng mga hand washing facility at rain water catchment facility partikular na sa mga eskwelahan na hirap sa pagpondo ng mga nasabing pasilidad.

“Ang NCR Central Region po ay maasahan ninyo na magpapatuloy po sa pag-iimplementa, implementa ng mga proyekto na makikinabang po ng mas nakararami nating mga kababayan at pangmatagalan po itong pakikinabangan,” ani Bituin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble