Bandila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, naka-half mast

Bandila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, naka-half mast

NAKA-half mast na ngayon ang mga bandila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Ito ay bilang tanda ng respeto sa pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

Bukod sa Malacañang, naka-half mast ang pambansang watawat sa Senado, Kamara, mga government agency at city hall ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa bansa maging sa Luneta.

Ipinag-utos rin ng Korte Suprema na ilagay sa half-mast ang lahat ng watawat sa mga korte sa buong bansa.

Naka-half-mast na rin ang watawat sa bahay ng mga Aquino sa times square sa Quezon City.

Pagdating ng labi ni dating Pang. Aquino, inaabangan na sa Heritage Park

Inaasahang anumang oras ay darating na ang labi ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Heritage Park sa Taguig.

Sa The Chapels sa Heritage Park nakatakdang iburol ang labi ni Aquino.

kabIlang naman sa mga dumating na sa Heritage Park ang kapatid ni Aquino na si Pinky, kapatid ni dating Pangulong Cory Aquino na si Peping Cojuangco, Vice President Leni Robredo, dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Health secretary ng Administrasyon Aquino na si Represenatative Janette Garin.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na official statement ang pamilya Aquino sa pagpanaw ng dating pangulo.

SMNI NEWS