Banggaan ng 2 sasakyang pandagat sa Maasim, Sarangani; isa ang nasawi

Banggaan ng 2 sasakyang pandagat sa Maasim, Sarangani; isa ang nasawi

NASAWI ang kapitan ng isang tugboat matapos bumangga sa isang Panamanian-flagged vessel sa karagatang ng Maasim, Sarangani Province ngayong Marso 25, 2025.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng M/Tug Sadong 33 at MV Universe Kiza dakong alas-kwatro bente ng madaling araw.

Matapos matanggap ang ulat, agad nagpadala ng Search and Rescue (SAR) team ang PCG kasama ang tatlong floating assets upang magsagawa ng rescue operations.

Sa ulat ng PCG, patay ang kapitan ng M/Tug Sadong 33 at narekober ang kanyang mga labi sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, patuloy namang pinagahanap ang isa pang nawawalang crew ng tugboat.

Sa ngayon, anim sa walong crew ang na-rescue at nasa maayos nang kalagayan. Wala namang naiulat na oil spill sa lugar ng banggaan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble