Bank of Thailand, minomonitor ang weakest rate ng Baht sa loob ng 5 taon

Bank of Thailand, minomonitor ang weakest rate ng Baht sa loob ng 5 taon

MINOMONITOR ng Bank of Thailand ang weakest rate ng baht sa loob ng 5 taon.

Inihayag ng Bank of Thailand na ang paggalaw ng baht ay may kaunting impact sa inflation at ekonomiya matapos nitong maabot ang weakest rate laban sa US dollar sa loob ng 5 taon.

Ayon kay Assistant Governor Alisara Mahasandana, ang bangko ay nagkaroon ng close monitoring sa sitwasyon at nakahandang saluhin ang baht kung sakali.

Hindi rin umano maaaring gamitin ang interest rate upang i-manage ang baht dahil gumagalaw ito nang nakalinya sa regional currency.

Samantala, magpatutupad naman ng pagluluwag sa rules ng foreign exchange service sa non-banks ang Bank of Thailand upang matulungan ang mga kumpanya.

Ang hakbangin ay ipatutupad ngayong araw kung saan mas magiging madali na ang overseas transactions.

Follow SMNI NEWS in Twitter

 

Follow SMNI NEWS in Twitter