NANINDIGAN si House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Irwin Tieng na hindi nila minadali ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund (MIF) Act.
Reaksyon ito ni Tieng dahil maraming amyendang gagawin ang Senado sa House version ng panukala.
Saad ni Tieng, nagkaroon sila sa komite ng public consultation sa MIF at dumaan sa masusing pag-aaral ang bersyon nila sa bill.
Katunayan, wala ring oposisyon sa committee level dito at malalim itong pinagdebatihan ng mga kongresista sa plenaryo.
Bukas naman ang komite ni Tieng sa anumang mga pagbabagong gagawin ng Senate contingent sa MIF.
“I cannot speak for the whole House but yung committee namin is open to any comments and suggestions naman para ma-improve natin po ang ating batas,” saad ng mambabatas.