Bansang Israel, nangangailangan ng 500 Filipino caregivers

NANGANGAILANGAN ang bansang Israel ng 500 Filipino caregivers.

Sa anunsyo ng Philippine Embassy sa Tel-Aviv, maaring mag-apply ang mga Pinoy bilang caregiver sa Israel sa ilalim ng bilateral labor agreement na nilagdaan ng dalawang bansa noong 2018.

Ayon sa Embahada, kailangan magparehistro ang mga interesadong aplikante sa onlineservices.poea.gov.ph/onlineservices/poeaonline.

Ang deadline ng submission para sa POEA regional o satellite offices ay sa Pebrero 12 at Pebrero 15 naman para sa POEA main office.

Sinabi ng embahada na dapat 23-anyos pataas ang mga aplikante at sumailalim sa 760 oras na relevant training at nakapasa sa mga pagsusulit.

Kailangan din mayroong certification mula sa TESDA na nagpapakita na sila ay caregivers na eligible para sa overseas employment o diploma na four-year nursing o physical therapy college course.

Dapat rin na walang dating work record sa Israel ang interesred applicants o magulang, asawa o anak na kasalukuyang nagtatrabaho o naninirahan sa nasabing bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.