Bantag, inosente pa rin vs Percy Lapid case –Atty. Roque

Bantag, inosente pa rin vs Percy Lapid case –Atty. Roque

INOSENTE pa rin si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa pagkamatay ni Percy Lapid hangga’t hindi pa napapatunayan.

Ayon kay Atty. Harry Roque, totoo at hindi mababalewala ang mga testigo ng persons deprived of liberty (PDLs) hinggil dito subalit hindi rin sapat upang ma-convict agad ito.

Kinakailangan pa aniya ng matibay na ebidensya upang mas matumbok ang sinumang nasa likod ng pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid.

Naniniwala naman si Roque na bagama’t hindi ipinagbabawal o walang nilabag si Bantag kahit pa maglabas ito ng kanyang panig, mas mainam kung tumahimik muna ito dahil maaaring magamit ang mga binitawang salita nito laban sa kanya.

Payo pa nito kay Bantag, sumunod at respetuhin ang proseso.

Samantala, suhestiyon ngayon ni Roque, sanay masilip ang bank accounts na siyang nag-uugnay sa gunman at sa umano’y mastermind.

Follow SMNI NEWS in Twitter