Bantag kinasuhan si SOJ Remulla sa Ombudsman

Bantag kinasuhan si SOJ Remulla sa Ombudsman

NAGHAIN ng murder at administrative complaints si dating Bureau of Correction (BuCor) chief General Gerald Bantag laban kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Ombudsman.

Kasama pa sa kaniyang pinakakasuhan ay si BuCor OIC Gregorio Catapang Jr.

Para kay Bantag, si Remulla ang dapat makasuhan sa pagkamatay ng mamamahayag na si Percy Lapid at sa Bilibid inmate na si Jun Villamor.

Nitong Disyembre 27 at Enero 4 nang inihain ni Bantag ang murder at administrative complaints laban kay Justice Secretary.

Naniniwala si Bantag na si Remulla ang nasa likod ng grand conspiracy sa pagpatay kay Percy Lapid at Jun Villamor.

Sa inihaing reklamo, gusto ni Bantag na mapatawan ng preventive suspension si Remulla.

Kasama rin sa pinakakasuhan ni Bantag ay si BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. at ang PDL inmate na si German Agojo at iba pang preso sa NBP.

Pero si Remulla, nang mahingan ng pahayag, sinabi na ginagawa lang ni Bantag ang lahat para balingan siya dahil maaring desperado na ito.

Matatandaan na nakapending sa DOJ Prosecutors ang murder complaints laban sa kaniya dahil sa Percy Lapid at Villamor case.

Ayon kay Remulla, kahit ano pang gawin ni Bantag, magpapatuloy ang reklamo laban sa kaniya.

“No comment, no comment, I don’t know where the legal theories coming from. Pero it’s okay, ano yan eh, he is trying to exhaust all possible remedies to go against me personally, but it will not change anything. The cases will continue. Our job is to prosecute people,” ayon naman kay Sec. Jesus Crispin Remulla.

 

Follow SMNI News on Twitter