Bantag, may balak nang sumuko—Sec. Remulla

Bantag, may balak nang sumuko—Sec. Remulla

TINIYAK ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sa bisa ng Hold Departure Order (HDO), hindi na makalalabas ng bansa si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Aminado si Department of Justice (DOJ) Sec. Remulla, na natatagalan ang paghahanap kay Bantag dahil sa pagtatago nito sa mga awtoridad.

“Eh alam mo…meron talagang problema yung mga taong yan…” ani Sec. Jesus Crispin Remulla, DOJ Secretary.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Remulla na nasa watch list na ng Bureau of Immigration (BI) si Bantag.

Ibig sabihin mahihirapan nang lumabas ng Pilipinas ang dating opisyal.

“Automatic po yun…Meron pong kopya ang Immigration..,” dagdag ni Remulla.

Sa ngayon tinitiyak din ng kalihim na bago pa man ang HDO ay nanatili sa bansa si Bantag.

Ilang linggo matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) at Las Piñas RTC laban kay Bantag para sa mga kasong murder, si Bantag ay may balak na aniyang sumuko, ito ay ayon mismo kay Remulla.

Ayon sa kalihim, tumawag si Bantag sa isa sa mga kasama nito sa gabinete at nagpahayag ng intensiyon na sumuko.

“He spoke to my colleagues in the cabinet to say that he wants to surender..The warrant of arrest,” ayon kay Remulla.

Tumanggi naman si Remulla na ibigay ang identity ng gabinete na ito.

Pero punto ni Remulla, sadiyang mahirap magtago kapag may warrant ka na.

“Alam mo mahirap magtago, it’s very difficult,” aniya.

Matatandaan, si Bantag ay ipinaaaresto base sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Presiding Judge Gener M. Gitong, Branch 206 sa Muntinlupa City RTC at walang inirekomendang piyansa.

Si Bantag at New Bilibid Prisons Jail Officer na si Ricardo Zulueta ay unang sinampahan ng kasong murder kaugnay sa pagkamatay ng presong si Cristito Villamor Palaña na naging middleman umano sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Halos 600 bilanggo mula sa ibat -ibat kulungan sa bansa, nakalaya na

Samantala nasa kabuoang 580 na mga person Deprived of Liberty (PDL) ang nakalaya na, mula sa iba’t ibang piitan ng bansa.

Ang paglaya ng mga PDL na nakapagtapos ng kanilang hatol ay isinagawa sa New Bilibid Prison, sa lungsod ng Muntinlupa, araw ng Huwebes.

Kabilang si Nanay Sebastian at Nanay Marieta na hinatulan ng life imprisonment dahil sa kasong illegal recruitment, dahilan ng kanilang pagkakabilanggo ng mahigit 3 dekada.

Hindi matatawaran ang kanilang pasasalamat at sobrang saya na nabigyan sila ng pamahalaan ng pagkakataon ng makalaya at makasamang muli ang kanilang pamilya.

“Maraming salamat talaga…Maraming-maraming salamat po talaga…,” ayon kay Sebastian Lagrimas.

“Galak na galak…Dahil kalooban niya, masaya kasi nakalaya after 30 years,” ayon kay Martir Marietta.

Nalagpasan ko ang mga pagsubok…harapin ang magandang bukas,” ayon kay Tatay…

Ayon naman kay Remula nasa mahigit 1 % ng kabuoang populasyon ng bilanggo ang nakalaya na ngayon Huwebes.

“Itong araw na ito buwan-buwan hinahanap ko…bayad ng utang sa lipunan,” ani Remulla

Sa nabangit na mga bilanggo pinakamarami dito ay nabigyan ng parole na nasa mahigit 300.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter