Bantag, sinampahan ng mga reklamo sa DOJ dahil sa pananaksak umano sa 2 preso ng NBP

Bantag, sinampahan ng mga reklamo sa DOJ dahil sa pananaksak umano sa 2 preso ng NBP

PORMAL nang naghain ng mga reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang 2 preso ng New Bilibid Prisons na umano’y sinaksak ng dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief na si Gerald Bantag.

Sinabi ni Atty. Al Perrera ng BuCor na mga reklamong paglabag sa Anti-Torture Law, Serious Physical Injuries at Grave Misconduct ang inihaing reklamo ng mga inmates na sina Ronald Usman at Jonathan Escopete laban kina Bantag at Jail Supt. Ricardo Zulueta.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pananaksak ni Bantag sa 2 preso noong February 1, 2022 at binigyan umano ni Bantag ng tig-P50,000 ang 2 preso para hindi na magreklamo.

Ipinaliwanag ng BuCor na ngayon lang lumutang ang mga nagrereklamong preso dahil sa takot nila kay Bantag at Zulueta noon.

Samantala nilinaw ni Perreras na bukod sa reklamo sa DOJ ng dalawang preso ay mayroon ding iba pang mga inmates mula naman sa Palawan ang may reklamo rin laban kay Bantag.

Follow SMNI NEWS in Twitter