NASAWI nang pagbabarilin ang barangay chairman ng Barangay Zone 10 sa Taal, Batangas ngayong umaga.
Kinilala ang biktima na si Erasmo Divino Hernandez.
Sa inisyal na impormasyon, pinagbabaril ng mga suspek na naka-motorsiklo ang biktima sa harapan ng kaniyang bahay.
Si Hernandez ay re-electionist sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Nadala pa sa ospital ang biktima bago tuluyang bawian ng buhay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at ang posibleng nasa likod nito.