Barangay Drug Clearing Program, paiigtingin pa ng PDEA

Barangay Drug Clearing Program, paiigtingin pa ng PDEA

KASUNOD ng matagumpay na pagkakasabat ng mahigit 900 kilo ng shabu sa Maynila, nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na paiigtingin pa nito ang programang laban sa iligal na droga.

Sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) ng ahensiya, inaasahan ang pagnipis ng bilang ng mga nahuhuling sangkot sa iligal na droga sa bansa.

Makakatulong din ito sa supply and demand reduction na bagong estratehiya ngayon ng Marcos Jr. administration.

Ayon pa sa PDEA, bukod sa pagsawata sa mga nasa likod ng distribusyon ng iligal na droga sa bansa, palalakasin din ang rehabilitation and reintegration program ng pamahalaan para sa mas maayos na pamayanan.

Naniniwala ang ahensiya na mangyayari lamang ito sa pakikipagtulungan ng komunidad sa bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter