HANDANG ipagtanggol ng Ginebra ang titulo nito sa nalalapit na PBA Season 48 na itinakda sa Nobyembre 5.
Magpapalakas sa koponan ang pagbabalik ng Gilas Pilipinas stint import na sina Justin Brownlee, Scottie Thompson, at Japeth Aguilar na nakakuha ng gold sa nakaraang Asian Games sa Hangzhou, China.
Kasama rin si Jamie Malonzo na nakapagtagisan din galing sa nakaraang 2023 FIBA World Cup.
Magbabalik din si LA Tenorio mula sa pagpapagaling sa sakit na colon cancer.
Maging ang mga masigasig na sina Coach Olsen Racela at Coach Kirk Colier ay inaasahan para palakasin ang depensa ng koponan.
Kasama sa koponan ang mga bagong manlalaro ng team na sina Maverick Ahanmisi, Donald Gumaru, at Ralph Cu.
Nakuha ng Ginebra ang puntos na 102-99 laban sa San Miguel Beer nitong nakaraang ilang araw.