HINDI na ipagagamit at lalagyan ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang Barangay Isolation Centers o (BIC) ng Cebu City na nakalagay sa gitna ng barangay na maraming tao.
Ito ang sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu chief overseer ng pandemic COVID-19 response sa lungsod ng Cebu.
Ayon kay Cimatu, kung mayroong bagong infected ng COVID-19 ay maari nalang na dalhin ang mga ito sa NOAH Complex na matatagpuan sa South Road properties ng syudad.
Ito ay upang maalis ang pangamba ng publiko na siyang ring isa sa mga dahilan sa paglobo ng kaso ng COVID-19.
Subalit nilinaw din ng kalihim na mayroon ding namang BIC na maayos ang kinalalagyan kung saan malayo ito sa maraming tao.
Nabatid din ng kalihim na ang mga ginamit na mga paaralan bilang barangay isolation centers na nilagyan ng mga asymptomatic na pasyente ay nasa sentro sa barangay.
Kaugnay nito nais ni Cimatu na madagdagan ang 350-bed capacity ng noa complex at ang mga pasyente na hindi magkasya sa nasabing pasilidad ang ilalagay nalang sa New Cebu Coliseum at Aznar Coliseum.
Sa kabila nito Mike, humanga naman ang kalihim sa naging tugon ng mga Sugbuanon sa pagsunod ng mga ito sa quarantine protocol.
Ayon sa kalihim, na sumusunod na ang mga residente sa minimum health standard laban sa COVID-19.
Naobserbahan din ni Cimatu na naging tugma na ang datos ng Department of Health, Cebu City Health Department at ng city hall.
Samantala, ayon naman kay Cebu City Mayor Edgardo Labella na nais nitong luwagan ang quarantine protocol subalit kailangan pa anyang ibalanse ang ekonomiya at buhay ng tao.
Naniniwala si Secretary Roy Cimatu na makahaon na Enhanced Community Quarantine status ang lungsod matapos napansin nito sa loob ng dalawang linggo na nabago na ang imahe at nagkaroon ng pagbabago ang mga residente sa pagsunod sa quarantine protocols.