Barangay officials, pinasusuporta ang peace and order campaign ng administrasyong Marcos

Barangay officials, pinasusuporta ang peace and order campaign ng administrasyong Marcos

HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na suportahan ang peace and order ng kasalukuyang administrasyon.

Maging ang iligal na bentahan ng droga sa komunidad.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. dapat tumulong ang mga opisyal ng barangay sa mga lokal na pulis para mapanatili ang seguridad at maprotektahan ang publiko bilang mga force multiplier.

Ang mga opisyal ng barangay aniya ay nasa pinaka strategic na posisyon na tulungan ang kapulisan para maingatan ang mga mamamayan.

Pinaliwanag din ni Abalos na ang mga barangay ay may malaking papel para masolusyunan ang iligal na droga sa pamamagitan ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils.

Tiniyak naman ni Abalos na handa ang DILG na susuportahan ang mga opisyal ng barangay para magawa ng mga ito ang kanilang tungkulin.

Follow SMNI NEWS in Twitter