Barangay Tanod Code sa Naga City isa nang ordinansa

Barangay Tanod Code sa Naga City isa nang ordinansa

NILAGDAAN na ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang Ordinance No. 2021-033  na Barangay Tanod Code in Naga City na layuning suportahan, pagtibayin at protektahan ang karapatan ng lahat ng mga barangay tanod sa syudad.

Sa ilalim ng ordinansang ito, lalong pinagtibay ang mga responsibilidad at pagsasanay kabilang na ang mga benepisyong matatanggap ng mga barangay tanod tulad ng honorarium, insurance at maging ang mga available study grants para sa kanilang mga anak.

Dagdag pa rito ang pagkilala ng syudad sa pamamagitan ng ordinansang Pag- iribang Bantay Barangay (PBB) na ang ibig sabihin ay Samahan ng mga Bantay Barangay na isang organisasyong binuo para sa mga itinuturing na mga kasangga ng barangay.

Kabilang din sa ordinansa ang pagbuo ng isang performance awards and recognition system na layuning bigyang parangal at pagkilala ang mga barangay tanod na nagpapakita  ng galing at dedikasyon sa serbisyo publiko sa kanilang komunidad.

Napakalaki ng responsibilidad na pinapasan ng mga Barangay tanod sa syudad ng Naga upang mapanatili ang seguridad ng kapaligiran ng mga mamamayan sa buong komunidad lalo na ngayong nananatili pa rin ang banta ng pandemya.

(BASAHIN: Intensified Cleanliness Policy sa PNP, ipinatutupad sa Naga)

SMNI NEWS