Baranggay official na naglabas ng pekeng travel authority, huli sa San Juan City

Baranggay official na naglabas ng pekeng travel authority, huli sa San Juan City

WoodProfit

NAHULI ang isang barangay opisyal matapos maglabas ng pekeng ng travel authority sa kanilang barangay sa West Crame, San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Leonardo Puno, 39-anyos, nagtrabaho bilang liaison officer ng kanilang barangay.

Batay sa imbestigasyon ng San Juan City Police, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa Brgy. West Crame na mayroong nagbibenta ng travel authority pabalik ng probinsiya.

Tinukoy si Puno at dito nakuha ang isang kopya ng pekeng travel authority na pinagawa ng suspek sa Recto.

Depensa ni Puno, naawa lang daw siya sa kagustuhan ng kaniyang kliyente na makauwi na ng probinsiya noong July 1, 2020

Kwento pa ni Puno, hindi na nito hiningan pa ng health certificate ang mga biktima para makauwi kaagad ang mga ito sa kanilang probinsiya.

Pero giit pa ng suspek, walang money involved sa transaksyon bilang tulong na lang daw aniya sa nangangailangan ng nasabing travel authority.

Kaugnay nito, kasalukuyan nang inaaalam ng mga otoridad kung sinu-sino pa ang kasabwat ng suspek.

Nahaharap ngayon si Puno ng tatlong taon hanggang anim na taong pagkakakulong sa ilalim ng ipinatutupad na batas na falsification of public documents.

Dismayado naman si San Juan City Mayor Francis Zamora sa suspek bilang kakilala niya ito at hindi inaasahan ng alkalde na magagawa nito ang nasabing kasalanan.

Mula dito, agad na mag-uutos si Zamora sa kaniyang konseho na mag-isyu ng bagong travel at quarantine pass nang sa gayon ay maiwasang mangyari muli ang nasabing insidente.

Agad na isasapubliko ng San Juan City LGU ang magiging bagong kopya ng travel at quarantine pass  sa lahat ng barangay sakaling matapos na ang pulong na ginagawa ngayon ng kanilang konseho.

Samantala, bukod sa istriktong pagpatutupad ng bagong travel at quarantine pass, ibabalik din ng lungsod ang mas maaagang curfew hour sa buong lungsod na magsisimula sa alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng madaling araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.