‘Barbie’ ng Warner Bros, pinayagang magkaroon ng screening sa Pilipinas

‘Barbie’ ng Warner Bros, pinayagang magkaroon ng screening sa Pilipinas

MAPAPANOOD na ang foreign film na ‘Barbie’ ng Warner Bros sa Pilipinas.

Ito’y matapos payagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang screening nito sa bansa sa gitna ng kontrobersiya nito dahil sa paggamit umano ng world map na mayroong nine-dash line claim ng bansang China.

Sa pahayag ng MTRCB, ang tinukoy na nine dash line ay ang linya sa mapa kung saan ipinakita ang self-journey ni Barbie.

Kinonsulta na rin ng ahensiya ang mga legal expert sa West Philippine Sea (WPS), ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at ang solicitor general na kumumpirma na walang nine-dash line sa naturang movie.

Mapapanood sa bansa ang ‘Barbie’ simula ngayong Hulyo 19.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter