HINDI magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng muzzle taping sa baril ng mga pulis ngayong holiday season.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na kasama sa konsiderasyon ay ang posibilidad na maapektuhan ang pagtugon ng mga pulis sa krimen.
Ayon kay Fajardo, inatasan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang lahat ng commanders na paalalahanan ang kanilang mga tauhan sa responsableng paggamit ng baril.
Ang sinuman aniyang masasangkot sa indiscriminate firing ay mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
Sa datos ng PNP noong 2022, nagkaroon ng 26 insidente ng illegal discharged of firearms, kung saan 10 indibidwal ang nasaktan.
Habang 12 indibidwal ang nabiktima ng stray bullet o ligaw na bala.