Barko ng Pilipinas, 40 beses binuntutan ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc

Barko ng Pilipinas, 40 beses binuntutan ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc

UMABOT sa 40 beses na binuntutan ng ilang barko ng China ang Philippine Coast Guard (PCG) vessel na Theresa Magbanua habang nagpapatrolya ito sa Bajo de Masinloc nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng PCG, hindi lang isang beses kundi maraming beses na nakaranas ang Pilipinas ng intrusion habang naglalayag ito, gayunpaman nanatiling mahinahon ang ating barko para makaiwas sa gulo.

Bukod sa pagbuntot, may ilang pagkakataon na gumawa ng delikadong pagmaniubra ang ilang barko ng China na labag sa nakapaloob sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea.

Sa kabila nito, matapang pa ring natapos ng barko ng PCG ang misyon nito sa Bajo de Masinloc kasabay ng paggiit na ang nasabing isla ay nasa 124 nautical miles lamang ng Zambales, na nasa loob ng 200-nautical mile ng Philippine Exclusive Economic Zone.

Nauna nang iginigiit ng China na pag-aari nila ang isla at malaking bahagi ng West Philippine Sea na una na ring kinatigan sa ilalim ng arbitral ruling noong 2016 bilang matagal nang fishing ground ng mga Pilipinong mangingisda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble