BARMM, naghahanda na sa early recovery plan dulot ng Bagyong Paeng

BARMM, naghahanda na sa early recovery plan dulot ng Bagyong Paeng

NAGHAHANDA na ngayon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng recovery plan para sa pinsalang dulot ng Bagyong Paeng.

Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, nakatakdang ilunsad ng Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ang “early recovery plan” upang mapanatili ang mga interbensyon para sa mga biktima ng bagyo at pagkasira sa imprastraktura at agrikultura sa kanilang rehiyon.

Dagdag ni Ebrahim, kailangang gumawa ng pagtatasa at tingnan kung ano ang magagawa ng gobyerno ng Bangsamoro para mapagtibay ang mga hakbang upang maiwasan ang kalamidad.

Kamakailan ay nagsagawa ang BDRRMC ng sunud-sunod na pagpupulong para talakayin ang gagawing estratehiya at makabuo ng agarang plano para matulungan ang mga biktima ng Paeng para mabilis na makabangon.

Follow SMNI NEWS in Twitter