NAKATAKDANG magsagawa ang Department of Education (DepEd) ng Basic Education Report 2023 (BER) sa Enero 30, 2023.
Ayon sa DepEd, layunin ng BER 2023 na iprisenta ang kalagayan ng basic education sa bansa at ang mga plano at inisyatibo ng ahensya upang mapunan ang kanilang mandato.
Inaasahan ding magbibigay ang DepEd ng broad report ukol sa Basic Education Report kabilang na ang updates sa isinasagawang pagsusuri sa K-12 Curriculum.
Ilulunsad din ng BER ang education agenda at bagong call to action para sa lahat ng Pilipino.