Basic gun handling ng mga pulis, pinare-review

Basic gun handling ng mga pulis, pinare-review

INATASAN ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng unit commander na pag-aralan ang basic gun handling ng kanilang mga tauhan.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng isang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng San Pablo City Police Station sa Laguna na aksidenteng naputukan ng nililinis na baril.

Kinilala ang biktima na si Police Corporal Fhrank Aldene Dela Cruz na isinugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Azurin, kailangan i-review ang basic gun handling dahil nagbabago na rin ang mga ginagamit nilang baril.

Dapat aniyang maging bahagi ito ng ibinibigay na impormasyon ng mga chief of police at command executive senior police officer tuwing Lunes.

Follow SMNI NEWS in Twitter