Baste Duterte ‘di ikinagulat ang pag-alis ni PCol. Marantan bilang DCPO chief

Baste Duterte ‘di ikinagulat ang pag-alis ni PCol. Marantan bilang DCPO chief

SA panayam ng media, kinumpirma ni Davao City Vice Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte na nakausap niya si Davao City Police Office (DCPO) Chief PCol. Hansel Marantan bago ang pormal na pag-alis nito sa puwesto. Ang dahilan, dahil aniya sa health reasons.

Ayon sa Bise Alkalde, maayos naman ang naging pag-uusap nila at iginiit niyang hindi na siya nagulat sa mga pangyayari, lalo na sa nagdaang eleksiyon.

“When Marantan was here he did ok. He did everything he could to be fair. So, I wish him luck in his career. And more power to him,” saad ni Sebastian “Baste” Duterte, Vice Mayor-Elect, Davao City.

Dagdag din niya, hindi na siya umaasa na siya ay pagkakalooban ng pagkakataon na makapili ng bagong City Director kahit pa ito’y ipinagkaloob sa kaniya ng batas.

“They will never allow it. kung maalala niyo last year, they changed three city directors in two days, without my consultation, and under the law, the city mayor, should you know, is allowed to choose kung sino ang city director niya.”

“Like I said, that is because of politics. and this administration is against our family name,” ani Vice Mayor Baste.

Hindi na rin inaasahan ng nakababatang Duterte na bibigyan pa siya ng shortlist o opisyal na rekomendasyon para sa susunod na City Director.

“I am not expecting it. Let them do whatever they want,” aniya.

Binigyang-diin ni Duterte na nakikita naman ng mga tao ang sitwasyon sa lungsod ng Davao sa pamamagitan ng nagdaang halalan. Aniya, kung nagtagumpay ang administrasyon sa pagsabotahe sa kaniyang termino bilang alkalde, e ‘di sana nasa kabila aniya ang mga boto at wala sa kaniya.

Tinanong naman si Duterte kung ano ang kaniyang inaasahan matapos ma-relieve si Marantan.

Chaos. all over again. I am sure they will not stop. Ganun. Ok naman.”

“I am used to it already. Katulad dati, sumagot ako, gumawa na naman sila ng problema. Hayaan na lang. Pero mayroon talaga katapusan ang lahat,” saad nito.

Samantala, nag-iwan din ng mensahe si Duterte sa mga mamamayan ng Davao na manatiling mapagmatyag at magkaisa.

“Tayong mga Dabawenyo we are known to be very resilient.”

“Kakaunti lang sila kumpara sa ating (Davaoenos) pinagdaanan.

“Be vigilant…. Stay united. Do not allow injustices to happen. We have to fight back. Kailangan natin magsalita,” giit nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble