Baste Duterte sumagot sa pagpuna ni Usec. Castro ukol sa pagbabahagi ng AI video   

Baste Duterte sumagot sa pagpuna ni Usec. Castro ukol sa pagbabahagi ng AI video  

SUMAGOT si Davao City Vice Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte sa mga pahayag ni Undersecretary Claire Castro matapos siyang batikusin kaugnay ng pagbabahagi ng isang video na ginawa gamit ang artificial intelligence (AI), na umano’y pabor sa mga Duterte.

Ayon kay Duterte, AI-generated man o hindi, ang mahalaga aniya ay ang engagement o pagtangkilik mula sa taumbayan, dahil ito ay sumasalamin sa kanilang damdamin. Kaya aniya, hindi na dapat pahabain pa ang usapan.

“So, it’s a post—real or not, got engagement. It reflects the sentiments of the people. It gained attraction because it’s the sentiment of the people. Ngano’ng patason pa nato ang istorya? AI-AI lang. And I’m sure kung naay mugamit na katong kabuang… kamo to,” saad ni Vice Mayor-Elect Sebastian “Baste” Duterte, Davao City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble