PINARATANGAN na walang utang na loob ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Bongbong Marcos matapos makipagtulungan ng kaniyang administrasyon sa International Criminal Court (ICC) upang madakip si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Buwelta ni Baste kay BBM, naging mabuti ang dating Pangulong Duterte sa pamilya Marcos at nailagay pa ang labi ng kanilang ama sa Libingan ng mga Bayani sa tulong ng dating Pangulo.
“Noong nakaraang taon, Enero, sinabi ko sa iyo, Marcos (Jr.)—na wala kang utang na loob. Ang iyong ama ay ipinalibing ng aking ama, pero ang aking ama ay ipinakulong mo!” galit na sambit ng nakababatang Duterte.
Editor’s Note: This article has been sourced from the PDP-Laban Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble