Basura sa baybaying sakop ng Brgy. Lapasan sa Cagayan De Oro City, ‘di maubos-ubos

Basura sa baybaying sakop ng Brgy. Lapasan sa Cagayan De Oro City, ‘di maubos-ubos

TINAGURIANG City of Golden Opportunity o kilala rin bilang City of Golden Friendship ang Cagayan de Oro dahil isa nga ito sa may pinaka-progresibong lugar sa Northern Mindanao.

‘Yun nga lang kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya at populasyon nito ay may kaakibat itong suliranin, kabilang na ang hindi maayos na pagtatapon ng basura.

Kaya naman isa sa tinututukan ng lungsod ang pagpapanatili sa kaayusan at kalinisan sa lugar.

Napapanahon naman ang inisyatibong Kalinisan: Tatag ng Bayan, Nationwide Cleanliness Drive ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Pinili kasi ang siyudad para pagdausan ng isang malakawang paglilinis na malaking tulong ‘di lamang para sa mga marine species kundi pati na sa kalusugan ng tao.

Daan-daang volunteers, nakiisa sa paglinis ang tambak na basura sa bahagi ng Brgy. Lapasan

Bitbit ang iba’t ibang gamit panglinis, maaga pa lang ay nagsidatingan na ang volunteers mula sa iba’t ibang sektor, barangay officials at mamamayan ng Brgy. Lapasan, KOJC Missionaries, Maritime Police, CLENRO, mga personable ng Bureau of Fire Protection at iba pang ahensiya ng pamahalaan para linisin ang kahabaan ng coastal area ng Barangay Lapasan dito sa lungsod.

Ayon sa City Local Environment and Natural Resources Office (CLENRO) na ang nasabing lugar ay naging bagsakan ng mga basurang natatangay sa karagatan at dalampasigan kaya naman malaking tulong ang ginawang cleanliness drive na inisyatibo ni Pastor Apollo.

Nagpaabot naman ng mensahe at pasasalamat ang mga volunteer sa inisyatibong ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Karamihan sa mga nakolektang basura ay mga plastic at non-biodegradable materials.

Siniguro naman ng pamunuan ng SPM na maayos ang pagtatapunan ng mga basurang nakolekta sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa City Local Environment and Natural Resources Office (CLENRO).

Noon pa man ay adbokasiya na ni Pastor Apollo ang isang maunlad at malinis na bansa kaya naman itinatag nito ang SPM.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ay hindi imposibleng makamit ang hangarin ng Butihing Pastor na isang maunlad at malinis na bansa.

Dahil ika nga ang kalinisan ay simbolo ng pagiging matatag na bayan.

 

#KalinisanTatagNgBayan

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble