SA kauna-unahang pagkakataon, nagkaisa at sama-sama ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) at iba pang ahensiya para sa malawakang Cleanliness Drive sa Paracale, Camarines Norte.
“Lahat ng mga basura kahit sa mga bundok, dahil sa sama ng panahon, lahat po iyan ay dadalhin sa tubig at lahat naman nang nandiyan sa tubig dadalhin, ibabalik dito sa dalampasigan,” ayon kay Rolan Rebonza, Officer Designate, Menro, Paracale, Camarines Norte.
Dahil sa lokasyon ng Camarines Norte sa hilagang kanlurang baybayin ng Tangway ng Bicol, madalas itong daanan ng mga bagyo mula sa Karagatang Pasipiko.
Kapag nagkakaroon nga ng bagyo o masamang panahon, ang mga dalampasigan, lalo na sa Camarines Norte, ay madalas na nagiging tambakan ng basura dahil sa malakas na alon at hangin.
Isa sa mga malalaking hamon na kinakaharap ng lokal na pamahalaan ng Paracale sa Camarines Norte pagdating sa usapin ng pangangalaga sa kalilkasan ay ang basura o solid waste management.
Sinabi ni Rolan Rebonza, ang officer designate ng Municipal Environment and Natural Resource (MENRO), mas madaling makita ang mga basurang nakatambak sa dalampasigan sa Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte, bagay na isa sa mga suliranin sa lugar.
“Malapit siya sa sentro at the same time, siya ‘yung visible na kitang-kita siya na pagdungaw pa lang ng ating mga kababayan upang lumanghap ng sariwang hangin, pero sa halip na sariwang hangin ang kanilang makikita ay sariwang basura,” ayon pa kay Rebonza.
Para kay Poblacion Norte Chairman Allan Borbe, hindi rin sila nagkulang para paalalahanin ang mga residente na malapit sa dagat na huwag magtapon ng basura sa lugar.
“Ito na nga ‘yung laging problema ang alam ng tao galing lang sa Poblacion Norte pero ito ay galing sa iba’t ibang barangay, kaya nga po pinipilit ko sa aming bayan na magkaroon ng ordinance na ipagbawal na ang plastic sa bayan ng Paracale,” saad ni Brgy. Capt. Allan Borbe, Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.
SPM, nagsagawa ng cleanliness drive sa dalapampasigan sa Paracale, Camarines Norte
Kaya naman ang nasabing lugar ang napiling puntahan ng mga Volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) para sa isagawa ang cleanliness drive.
Maliban sa SPM, katuwang din ang iba’t ibang grupo sa paglilinis ng beach gaya ng mula sa Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Kabalikat Civicom, mga taga-barangay ng Poblacion Norte, MENRO, at marami pang iba.
Para sa kanila, malaking tulong ang “Kalinisan, Tatag ng Bayan” na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Sa mga grupo po ni Pastor Apollo Quiboloy, ang pamahalaan ng bayan ng Paracale ay nagpapasalamat ng taos puso sa inyo, dahil sa nagbigay kayo ng oras, dahil kumbaga makibahagi sa ganitong gawain at ‘iyon ay aming tatanawin ng malaking utang na loob sa amin.”
“Dahil nakikita namin tayo ay nagkakasundo sa iisang layunin, ang malinis ang ating kapaligiran,” wika ni Rebonza.
“Ay napakaling tulong po lalong higit na dito sa aming chapter, na nagkaroon ng clean-up drive dito sa pamumuno ni Pastor Apollo Quiboloy, ito po ang kanyang programa dito sa aming chapter sa Paracale,” saad ni Augorio Tagala, Jr., President, Paracale Kabalikat Civicom.
“Kami ay nagpapasalamat sa organisasyon ni Pastor Quiboloy at sa tulong ng ating mga barangay officials dito sa Paracale at nalinisan po ang ating shoreline ng ating Barangay Poblacion Norte at ito po ‘yung problema natin, simula pa po noong dati kasi marami po talagang basura dito sa bandang area na ito.”
“At dahil sa tulong po ninyo nalinisan ang ating shoreline kaya kami sa Coast Guard substation Paracale ay nagpapasalamat po kami sa tulong po ninyo,” saad ni Daniel Roxas, Coast Guard Sub Station, Paracale.
“Bilang ama ng Poblacion Norte, sampu ng aking mga kasamahan sa barangay ay nagpapasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy, dahil sa programa na hinatid dito sa Barangay Norte na ikinatutuwa ng marami dahil naging maayos o malinis ang aming tabing-dagat,” ayon kay Brgy. Capt. Allan Borbe, Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.
“Masaya po ako na nakasama dito sa events na ito kasi po kasama ko po ang mga kapatiran, napakaganda ng Samahan unang-una kay Pastor Apollo C. Quiboloy,” Janelyn Galicia, Volunteer, SPM.
“Nakita po natin na napakakapal ng basura sa tabing-dagat kaya nung tiningnan namin pinaalam sa barangay official, sabi nila maganda ang programa natin dahil sa pangangalaga ng ating kapaligiran, lalong-lalo na sa inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon kay Vicente Castor, Volunteer-SPM.
“Napakaganda mga kapatid ang ginagawa ng ating clean-up drive dito sa Paracale, ito ay napakagandang proyekto lalo na sa adbokasiya ng ating Mahal na Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy. Dami pong mga kapatid ang mga kasamahan natin dito, hindi lang po mga Kingdom Citizens pati na rin ang mga LGU,” ayon kay Alex Hoyos, Volunteer Leader, SPM Bicol Region.
Tiniyak din ng SPM na magpapatuloy pa ang iba’t ibang programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy kaugnay sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region.
“So may nakalaan pa tayo na mga proyekto, mga project ng ating Mahal na Pastor, mga activity ng tree planting at clean-up drive, bawat lugar po dito sa buong Bicol Region, kaya maghintay lang po kayo sa mga skedyul at inaanyayahan ko po kayo na makibahagi po tayo sa mga adbokasiya na ito sapagkat mapakinabangan sa buong Pilipinas lalong-lalo na tayong mga naninirahan sa lugar na ito,” dagdag ni Hoyos.
Ang programang Kalinisan, Tatag ng Bayan ay inisyatibo ng spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy para tugunan ang lumalalang problema sa kapaligiran.